Nananawagan ang isang grupo ng mga negosyante sa pamahalaan na dagdagan pa ang mga klase ng mga pumapasadang pampublikong transportasyon at taasan ng hanggang 80% ang kapasidad ng mga ito.
Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) President Benedicto Yujuico, nakapahalaga ng transportasyon para sa epektibong pagbuhay at upang tuluyang makabawi ang mga negosyo.
Paliwanag ni Yujuico, marami pa rin sa kanilang mga miyembro ang patuloy na nalulugi o naapektuhan ang kita kahit pa pinayagan na ang mga itong muling magbukas.
Ito aniya ay dahil nagiging hadlang sa kanilang operasyon ang kakulangan sa mga empleyado bunsod naman ng kawalan ng pampublikong transportasyon, bukod pa sa patuloy na mababang demand mula sa mga consumers.
Dagdag ni Yujuico, patuloy na sinusubok ng banta ng COVID-19 sa pulic health ang kagustuhan ng mga manggagawa at consumers na magbalik sa kanilang dating rutina bago ang pandemiya.