Muling nagdeploy ng karagdagang mga pulis ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila upang mapalakas ang police visibility ng bansa ngayong bermonths.
Ang karagdagang mga tauhan ay may layuning tumulong sa Southern Police District (SPD) para pangalagaan ang seguridad kaugnay sa inaasahang pagtaas ng kriminalidad ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., aabot sa 240 na pulis ay hinati sa mga Lungsod ng Makati, Taguig, pasay, Parañaque at Las Piñas upang suportahan ang mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangangalaga ng seguridad sa Metro Manila.
Inaasahan kasing dadagsa ang mga dayuhang turista pero walang dapat ipangamba ang publiko dahil may sapat na mga tauhan at resources ang PNP upang tiyakin ang kanilang kaligtasan.
Dahil dito, nangako ang kapulisan na patuloy nilang gagampanan ang kanilang mga tungkulin para matiyak ang seguridad ng taumbayan.