Sinisikap ng GSIS o Government Service Insurance System na mapataas pa ang minimum pension ng kanilang mga miyembro buwan buwan.
Ayon sa pahayag ng GSIS sa kanilang website, nagsumite na sila ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na itaas sa P6,000 kada buwan ang minimum basic pension ng kanilang mga miyembro na epektibo sana ngayong taon ng Pebrero.
Binigyang diin naman ni GSIS president at general manager Jesus Clint Aranas na ang naturang kahilingan ay hindi nangangailangan ng pagtaas din sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro.
Dagdag pa ni Aranas, sakaling aprubahan ito ng pangulo ay ito na ang ikalawang bugso ng karagdagang pension para sa mga kuwalipikadong miyembro ng GSIS sa loob ng dalawang buwan.