Humihirit ng karagdagang 7.5 bilyong pisong pondo si Labor Secretary Silvestre Bello III sa budget department.
Sa isang pahayag, sinabi ni OWWA adminstrator Hans Cacdac na ang inihirit na dagdag pondo ay para sa pag-agapay sa mga umuuwing OFWs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Giit ni Cacdac na ito’y dahil hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Setyembre na lamang inaasahang tatagal ang kanilang 5.2 bilyong pisong supplemental budget na ginagamit naman sa quarantine accommodation ng mga umuuwing OFW.
Paliwanag ni Cacdac na ang naturang pondo ay magagamit sa tumaas na gastusin sa quarantine accommodation dahil na rin sa mas pinahabang quarantine ng mga ito sa 14 na araw.
Kabilang sa gastusin ay ang pagkain ng mga OFW, transportation maging ang iba pang gastusin sa tutuluyang hotel.
Sa huli, binigyang-diin ni Cacdac na positibo ang tugon ng budget department sa hiling na karagdagang pondo at inaayos na lang nila ang ilang kaukulang dokumento.