Nanawagan si Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte sa Kongreso na humanap ng pondo upang maipagpatuloy ang libreng-sakay o service contracting program sa susunod na taon.
Umaasa si Villafuerte na makahahanap ang senado at kamara ng pondo sa oras na magsagawa ng deliberasyon ang bicameral conference committe para sa 2023 National Budget.
Pinuri naman ng kongresista ang Marcos administration sa pagpapatuloy ng libreng-sakay program sa EDSA bus carousel hanggang sa katapusan ng taon.
Nito lamang agosto, humiling ang Department of Transportation ng P12-B upang maipagpatuloy ang libreng-sakay sa taong 2023.
Gayunman, hindi isinama ang budget sa national expenditure program dahil isa itong one-time- expenditure item o hindi na inuulit.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla