Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pamahalaan na dagdagan ang pondo ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Adjustment Measure Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay TUCP party-list Rep. Raymond Mendoza, ikinatuwa ng maraming empleyado ang mabilis na pamimigay ng ayuda ng DOLE sa gitna ng krisis dahil sa COVID-19.
Ngunit aniya, kinailangan itong ihinto dahil sa kakulangan ng pondo dahilan para hindi mabigyan ang iba pang manggagawa nangangailangan.
Mungkahi pa ni Mendoza, mas mabuti kung idederekta ang pamimigay ng pera sa mga empleyado sa halip na idaan pa ito sa kanilang mga kumpanya sa ilalim ng small business wage subsidy program.
Kumplikado kasi umano ito na nagiging dahilan pa para bumagal ang pagtulong sa iba pang nangangailang empleyado.