Naglabas ang Department of Budget and Management o DBM ng karagdagang pondo na nasa P888.12-M bilang special risk allowances o SRA sa 97,560 healthcare workers.
Sa laging handa briefing, sinabi ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire na matatanggap nila ang special allotment release order o SARO, bukas, Setyembre 6.
Una nang inihayag ng DBM na naglabas sila ng P9.2-B noong Hunyo bilang bahagi ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Maliban dito, naglabas din ng P311.79-M para sa allowances ng 20K medical workers.
Samantala, patuloy ang regional offices sa pagsusumite ng listahan ng kanilang eligible healthcare workers na makatatanggap ng SRA.