Patuloy na itinutulak ni Sen. Christopher “Bong” Go, chair ng Senate Committee on Health ang karagdagang pondo para sa mga programang pangkalusugan, partikular na ang cancer assistance fund ng Department of Health.
Layunin ng CAF na pagaanin ang buhay ng mga pilipinong may kanser at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng tulong pinansyal sa pagpapagamot at iba pang nauugnay sa pangangalaga nito.
ayon sa DOH, layunin ng CAF ang madagdagan ang mga umiiral na mekanismo ng suportang pinansyal para sa iba’t ibang serbisyo at pagkontrol sa sakit na kanser.
ipinangako naman ni Go na patuloy nitong isusulong ang mga proyektong magpapaigting ng healthcare sa bansa kabilang ang pagtatayo ng mas maraming super health centers para mas mapadali ang healthcare access para sa mga Pilipino lalo na sa malalayong lugar. —mula sa panulat ni Hannah Oledan