Naghatid ng karagdagang relief assistance ang Manila Water Services katuwang ang mga tauhan ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Coast Guard para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo Odette.
Aabot sa 70K liters ng inuming tubig at mahigit 300 kahon ng hygiene products na donasyon ng P&G para sa mga biktima sa Cebu, Bohol, Southern Leyte, Siargao Island, Dinagat Island, at Surigao City.
Sa ngayon kasi, pagkain at malinis na maiinom parin ang nangungunang kailangan ng mga pamilyang pinadapa ng bagyong Odette. —sa panulat ni Angelica Doctolero