Inanunsiyo ng White House na muling magpapadala ang Estados Unidos ng karagdagang S270M na halaga ng security assistance sa Ukraine.
Ayon kay John Kirby, coordinator for strategic communications ng National Security Council, kabilang sa military package na ipapadala nila ang ilang medium-range rocket systems at tactical drones.
Nabatid na bahagi ito ng bilyun-bilyong dolyar na halaga ng tulong na ipinangako ng administrasyon ni US President Joe Biden sa Ukraine.