Humiling ng karagdagang bakuna si Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika dahil sa kakulangan ng suplay ng COVID-19 vaccine sa bansa.
Nakiusap din ang Pangulo sa US na kung sakaling mayroon silang sobrang bakuna ay tulungan naman ang Pilipinas na madagdagan ang suplay nito upang mas marami pang Pinoy ang mabakunahan kontra COVID-19.
Dagdag pa ng Pangulo, mayroong pera ang bansa at handang bumili kung kinakailngan.
Target ng gobyerno na mabakunahan ang pitumpung porsyento ng populasyon para makamit ang herd immunity.
Nagsimula ang COVID-19 vaccination program sa bansa noong Marso 1 at kasalukuyang nakapagbakuna na ng higit 12 milyon indibidwal.—sa panulat ni Angelo Baino