Nagpadala na ng karagdagang tauhan ang Department of Foreign Affairs o DFA sa Kuwait.
Ito ay upang tumulong sa pagsagip sa mga manggagawang Pinoy sa Kuwait na nagpapasaklolo at humihingi ng tulong.
Ayon kay Director Raul Dado, pinuno ng augmentation team ng DFA, umabot na sa 30 mga OFW na nakararanas ng problema sa nasabing bansa ang kanilang nailigtas simula nang dumating sila sa Kuwait noong April 7.
Tinataya aniyang nasa limang tawag ng mga nagpapasaklolo ang kanilang natatanggap kada araw.
Aminado rin si Dado na kadalasang pahirapan ang kanilang pagsagip sa ilang mga OFW.
—-