Sasailalim sa karagdagang tests ang 48 bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na binili mula sa Dalian Locomotive ng China.
Ito ang inihayag ng Department of Transportation o DOTr, tatlong araw matapos ang inilabas na report ng independent audit firm na TUV Rheinland.
Ang nasabing report ang inaasahang magiging daan upang tuluyan ng magamit ang mga bagon na mahigit isang taon ng naka-tengga sa MRT-3 depot.
Kabilang sa mga dapat isagawa alinsunod sa inirekomenda ng audit firm ay ang weight testing ng mga bagon na nagkakahalaga ng kabuuang 3.8 billion Pesos.
Sa nakasaad na kontrata, tumitimbang lamang ng 46.3 tons ang bawat bagon subalit 49.7 tons ang timbang ng mga i-deliver ang mga coach mula China.
—-