Inihirit ng isang Public Health Advocacy Group kay Pangulong Rodrigo duterte ang dagdag 60 pesos na excise tax sa kada pack ng sigarilyo.
Ayon kay Healthjustice Philippines President Mary Ann Fernandez Mendoza, bukod sa tataas ang government revenue ay lalong mababawasan ang mga naninigarilyo at maiiwasan ang mga sakit kung itataas pa ang Tobacco Excise Tax.
Mas maigi anyang source of income para sa pamahalaan ang mataas na excise tax sa tobacco products kumpara sa jueteng.
Ipinunto rin ni Mendoza na makatutulong ang 60 Peso increase sa mga naglalakihang proyekto ng Duterte administration tulad ng “build, build, build program,” universal health care, free higher education.