Nangangailangan ng mas maraming volunteers ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa ikakasang National COVID-19 Vaccination Program o Bayanihan, Bakunahan 4 sa ikalawang linggo ng Marso.
Sisimulan ang pagbabakuna sa Marso a-7 kung saan, prayoridad na mabakunahan ang mga menor de edad at mga senior citizen na kabilang sa vulnerable group sa COVID-19.
Sa ngayon, nasa 63-M na Pilipino ang fully vaccinated kung saan, target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 77-M na Pinoy laban sa COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Marso.
Plano din itong iangat sa 90-M bago tuluyang bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo a-30. —sa panulat ni Angelica Doctolero