Nangangailangan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga volunteers na tutulong sa Quick Response Team (QRT) sa pagre-repack ng relief goods na ipamamahagi sa mga pamilyang apektado sa Bagyong Paeng.
Sa ngayon, nasa halos 100 volunteers ang nagre-repack sa main warehouse ng DSWD sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City.
Ito ay binubuo ng mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), barangay volunteers, Philippine Air Force, DSWD-QRT at maging mga pribadong indibidwal.
Ayon sa ahensiya, isasagawa araw-araw ang re-packing operations hanggang sa November 11.
Samantala, naniniwala naman ang ahensya na mananaig muli ang bayanihan sa mga Pilipino lalo na ngayong nakararanas ng kalamidad ang bansa.