Nababahala ang Commission on Elections (Comelec) sa paglobo ng karahasan habang nalalapit ang eleksyon.
Ayon kay Director James Jimenez, spokesman ng Comelec, hindi na vote buying o dayaan ang pinakamalaking hamon ngayong eleksyon sa Comelec kundi karahasan.
Pinuna ni Jimenez na bago pa man dumating ang election period ay marami nang karahasang naitala na may kaugnayan sa eleksyon gayung kung tutuusin dapat mas mainit ang barangay elections kumpara sa national elections.
Sinabi ni Jimenez na hindi maiwasang maiugnay sa eleksyon ang mga pagpatay sa mga nagdaang buwan dahil tila nabubuo ang planong pagpatay dahil sa naghain ng kandidatura ang biktima.
—-