Inihayag ni Roy Mabasa, kapatid ng brodkaster at komentaristang si Percy Lapid na walang nabanggit o nasabing personal kaugnay sa pagbabanta sa kaniyang buhay bago mangyari ang pamamaril.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Mabasa na sa pagkakakilala nito sa kanyang kapatid na halos 35 taon na sa industriya ay marami na itong natanggap na threat ngunit hindi nito sinasabi sa kanya maging sa kanyang pamilya.
Dagdag pa ni Mabasa na tanging katotohanan lamang ang bitbit ng kanyang kapatid pagdating sa mga pinag-uusapang isyu ng bayan.
Dumating siya sa panahon na nagkalat ang fake news sa gitna non nagsasalita si Percy bitbit ang katotohanan, dinidiscuss, nagkokomento sa mga bagay na usaping pang bayan na ang tanging sandigan ay katotohanan yun lang yung malinaw don.”
Umaasa naman si Roy na matitigil na ang mga nangyayaring karahasan laban sa mga mamamahayag.
Tayo’y nalulungkot sapagkat ang inaasahan sana natin ay matigil na yung karahasan laban sa mga mamamahayag, ito yung adbokasiya na isinusulong natin labimlimang taon na ang nakaraan, kasama na ang mga paghahain ng mga libelo sa mga mamamahayag pero alam mo hindi natin malaman kung kailan ba matitigil ang mga ganito…”
—Ang tinig ni Roy Mabasa, kapatid ng brodkaster at komentaristang na si Percy Lapid