Karamihan sa mga kaso ng COVID-19 sa bayan ng Mariveles sa Bataan ay mula sa mga nagtatrabaho sa isang local coal fired power plant dito.
Ayon ito kay Mayor Jocelyn Castaneda matapos makapagtala ang bayan ng Mariveles hanggang kahapon ng 584 active cases kung saan 390 ay mula sa economic zone at 194 mula sa iba’t ibang komunidad.
Ipinabatid ni Castaneda na hindi nila alam na mayroong kaso ng COVID-19 sa barracks sub contractors ng mga ginagawang planta.
Nasa mahigit 150 cases na aniya ang naitalang kaso mula sa iba’t ibang barracks at kaagad naman nilang inihiwalay o ini isolate ang mga ito.
Ang bayan ng Mariveles ay nasa ilalim ng MECQ dahil sa kakulangan ng ICU facilities at una nang tinukoy ng OCTA research group na nakapagtatala ng tumataas na kaso ng COVID- 19.