Trabaho, healthcare at food security ang nangungunang plataporma na hinahanap ng mga botanteng Pilipino sa mga kandidatong tumatakbo sa 2025 midterm elections.
Ito ay batay sa pinakahuling survey na inilabas ng social weather stations, kung saan 92% ng mga respondents ang nagsabing iboboto nila ang mga kandidatong may adbokasiyang may kaugnayan sa pagkakaroon ng trabaho; na sinundan naman ng healthcare at food security, na may 91%; at 90% naman para sa pantay na access sa edukasyon.
89% naman ng mga respondent ang sumusuporta sa mga kandidatong nagtataguyod ng mga karapatan ng mga manggagawa at kapakanan ng mga OFW; at 86% naman ang may gusto sa mga kandidatong target mabawasan ang gutom at kahirapan.
Isinagawa ng SWS ang nasabing survey noong March 15 hanggang 20 na kinabilangan ng 1,800 respondents.—sa panulat ni John Riz Calata