Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na labag sa saligang batas ang pagkandidato sa pagka-Bise Presidente sa 2022 elections ni Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa Social Weather Stations survey.
Sa Hunyo 23 to 26 survey o bago kumpirmahin ng pangulo ang kanyang kandidatura, 60% ng respondents ang nagsabing labag ito sa batas at dapat anila munang amyendahan ang konstitusyon bago tumakbo sa pagka-Bise Presidente.
Nasa 39% naman ang sang-ayon sa pagtakbo sa pagka-Bise Presidente ni Pangulong Duterte dahil nais nilang magpatuloy ang pamamalakad nito sa gobyerno habang 1% ang undecided.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.
Pinaka-maraming nagsabi na labag sa batas ang kandidatura ni Pangulong Duterte sa pagka-Bise Presidente ay mula sa balance Luzon, 65% ; Visayas, 59%; Metro Manila, 56 % at Mindanao, 53%.—sa panulat ni Drew Nacino