Ibinunyag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na karamihan sa mga trabahador sa dalawang construction project sa ilalim ng “Build Build Build” program ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pawang mga Chinese citizen.
Ayon kay DPWH Director Virgilio Castillo, karamihan sa mga engineer, surveyors, at project managers para sa konstruksiyon ng Binondo-Intramuros Bridge at Estrella-Pantaleon Bridge ay mga Intsik.
Kinakailangan aniya ng mga manggagawang mayroon ng mga karanasan dahil wala nang panahon pa para mag-train ng mga baguhan.
Gayunman, nilinaw naman ni Castillo na marami rin ang mga Pilipinong manggagawa na kinuha para sa mga nabanggit na proyekto.
Batay sa datos ng DPWH nasa halos 100 Pilipino at mahigit 50 Chinese nationals ang nagta-trabaho para sa tulay ng Binondo-Intramuros habang halos 60 ang Pilipino at mahigit 30 Intsik ang kinuha para naman sa proyekto ng Estrella-Pantaleon Bridge.
—-