Inaasahan ng Philippine General Hospital (PGH) na karamihan sa kanilang “skilled” healthcare professional ay aalis para magtrabaho bilang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jose del Rosario, ito’y dahil nagbukas ang maraming bansa ng oportunidad para sa healthworkers.
Giit pa ni del Rosario na marami siyang nakikitang resignation at karamihan dito ay mga “skilled.”
Patuloy namang nagre-recruit ang mga state-owned hospital gayundin ang kagustuhan nito na makapagsanay ng mga nurse na may kaunti o walang propesyonal na karanasan.