Inihayag ng Commission Higher Education (CHED) na hindi matutuloy ngayong buwan ang pagbubukas ng klase ng maraming Higher Education Institutions (HEI’s) bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, karamihan sa mga kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila ay magbubukas ng klase sa Pebrero.
Kabilang sa mga uniberidad na ito ang University of the Philippines na magbubukas ng kanilang limited face to face classes sa February 7.
Sinabi pa ni De Vera na maraming HEI’s sa Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga ang hindi pa rin makakapagbukas ng klase dahil sa epekto ng bagyong Odette.