Normal lamang na nangyayaring pagsuway ng maraming Pilipino sa mga quarantine rules.
Ipinaliwanag ni Professor Josephine Aguilar-Placido, isang sociologist sa University of Santo Tomas (UST) na nasa period of rejection pa rin ngayon ang mga Pilipino sa napakalaking pagbabago sa kanilang buhay na dala ng COVID-19 pandemic.
Marami anya ang hindi pa rin matanggap ang isa-isang pagkawala ng mga dati nilang nakasanayang gawin.
Dahil dito, malaki anya ang papel ng media at ng pamahalaan na laging ipaintindi sa mamamayan kung ano ang maaaring mangyari sa kanila at sa kanilang pamilya kung magpapatuloy sila sa pagiging pasaway.
Nawala yung comfort zone nila, so nawala yung mga ginagawa nilang kapritso. In the usual dynamics of their lives, yung struktura ng buong buhay nila totally nagbago. Alam niyo ang konsepto ng change, kapag pumasok yan at hindi ka handa or ang reaksyon ay adverse; there is rejection, always yun. If there is a social change, there is always rejection at itong pagbabago na ito hindi natin alam kung hanggang kailan so, yung mga taong yun ay naiiinip na,” ani Aguilar. — panayam mula sa Ratsada Balita.