Tinukoy ng DOLE o Department of Labor and Employment na karamihan sa mga walang trabaho ay nakapag-aral.
Sa Jobs Fit 2022 Labor Market Information Report ng DOLE, kalahati o halos isang milyong indibiduwal na walang trabaho ay natuntong o nakatapos ng high school.
Habang higit 800,000 dito ay undergraduate o nakatapos sa kolehiyo.
Ayon sa DOLE, resulta ito ng tumataas na outward flow ng labor sa bansa.
Mas malamang din anila na makuha sa trabaho ang mayroong mas mababang inabot sa pag-aaral kumpara sa nakatapos dahil na rin sa isyu ng sweldo.
Malaking bagay din ayon sa DOLE ang kurso o programa na tinapos kaya nahihirapan sa paghahanap ng trabaho ang mga graduates.