Dalawa sa bawat tatlong Filipino graduate ang naniniwalang mahalaga ang kanilang unang trabaho.
Gayunman, batay sa pag-aaral ng American Global Employment Website na Monster.com, 42 percent ng mga Pinoy graduate ang umaalis sa kanilang unang trabaho kahit wala pang isang taon.
Kakulangan sa professional development, paghahangad ng mas malaking suweldo at pangangailangan para sa trabahong may kaakibat na mas malaking hamon ang ilan sa mga rason nang kadalasang pag-alis ng mga fresh graduate.
Naniniwala ang 41 percent ng mga fresh graduate na ang pinaka-malaking hamon sa kanilang unang trabaho ay kakulangan ng kaalaman sa industriyang pinasok; issue sa kanilang mga employer, 32 percent at kakulangan ng preparasyon para sa buhay trabaho, 30 percent.
Gayunman, naniniwala naman ang mga employer na ang mga bagitong empleyado ay maaaring naghahangad ng masyado pagdating sa pera at kompensasyon.
Isa anila sa pinaka-malaking pagkakamali sa mga interview na kadalasang ginagawa ng mga fresh graduate ay ang masyadong pagtuon sa pera, na “un-professional sa halip na tutukan ang kahalagahan ng trabaho.
SMW: RPE