Patuloy na isusulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang karapatan at kapakanan ng tinatayang 300,000 Filipino nationals sa maritime industry.
Ito ang inihayag ni DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr. kasabay ng pagdiriwang ng International Seafarers Day sa buong mundo kung saan nangako rin itong aapurahin ang pagpapauwi sa mga stranded na seafarers sa ibayong dagat.
Giit ni Locsin, dahil sa pandemya ay maraming seafarers din ang nawalan ng trabaho at nagkaroon ng problema sa mental health.