Karapatan ng Amerika na tanggihan ang pag-iisyu ng visa sa sinuman.
Ayon ito kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. tulad din aniya ng ginawa ng Pilipinas na pagpapa deport sa madreng Australian na si sister Patricia Fox nuong isang taon.
Kasunod na rin ito ng probisyon sa U.S. 2020 budget na nagbabawal sa pagpasok ng mga opisyal ng Pilipinas na sangkot o may kinalaman sa pagpapakulong kay Senador Leila de Lima.
Sinabi ni Locsin na ang hakbangin ng Amerika ay bahagi ng soberenya nito na hindi naman aniya dapat i-waive ng Pilipinas.
Una nang tinukoy ni De Lima ang listahan ng mga personalidad na may kinalaman sa kaniyang iligal na pagkaka aresto at pagkakakulong.
Kabilang dito ang Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential spokesman Salvador Panelo, dating PCOO official Mocha Uson, Sass Rogando Sasot at Rj Nieto, dating House Speaker Pantaleon Alvarez, dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Solicitor General Jose Calida, PAO Chief Atty. Percida Acosta, Sandra Cam, Dante Jimenez at Congressmen Rey Umali at Rudy Farinias.