Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdepensa sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS), sa gitna ng lumalalang electronic communication jamming activities ng China laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang kanyang pangamba sa pag-deploy ng China ng Navy ships upang suportahan ang naunang Chinese Coast Guard vessels na nasa WPS.
Gayunpaman, binigyang-diin ng Pangulo na patuloy pa ring dedepensahan ng bansa ang maritime territory nito.
Dagdag pa niya, patuloy na susuportahan at tutulungan ng pamahalaan ang mga Pilipinong ilang henerasyon nang nangingisda sa lugar.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag matapos iulat ni Philippine Navy spokesperson for WPS Commodore Roy Vincent Trinidad ang tumataas na kaso ng cyber interference, electronic interference, at signal jamming sa Philippine Navy.