Hindi masusukat at matatawaran ang kontribusyon ng mga health workers lalo na ang mga piniling magtrabaho kasama ang mga “underserved”.
Ito ang binigyang-diin ng Department of Health matapos ang pagkaka-aresto ng PNP sa human rights activist na si Dr. Maria Natividad Castro, dating secretary-general ng Karapatan-Caraga.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinikilala nila ang pagtulong ng mga health care worker tulad ni Castro, sa mga marginalized at underserved gaya ng Lumad community.
Mananatili anyang inosente si Castro hangga’t hindi napapatunayan ang akusasyon laban sa kanya at kanila ng ipinauubaya ang issue sa awtoridad.
Biyernes nang arestuhin si castro sa bahay nito sa San Juan City dahil umano sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Sibagat, Agusan Del Sur.