Muling iginiit ng Pilipinas ang panawagan nito sa lahat ng bansa na igalang ang kalayaang makapaglayag sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang reaksyon ng Department of National Defense (DND) sa panibagong insidente ng panghaharass umano ng China sa isang greek oil tanker nang dumaan ito sa bahagi ng Scarborough o Panatag shoal.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, naipasa na ang ulat sa National Task Force on the West Philippine Sea hinggil sa insidente.
Bagama’t wala namang nangyaring masama sa nabanggit na barko, sinabi ni Lorenzana na hindi dapat pinalalaki pa ang usapin, sa halip ay hintayin na lamang ang magiging resulta ng imbestigasyon.
Sa huli, pinagsabihan ni Lorenzana ang China na igalang ang umiiral na International Maritime Law kung nais din nitong igalang ng International community.