Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa PNP o Philippine National Police na isaalang- alang ang karapatan ng mga menor de edad sa mga operasyon sa gyera kontra iligal na droga.
Ayon kay DSWD Undersecretary Malou Turalde, hindi maaaring ihalintulad ang trato sa mga bata sa paraan ng pag – asinta o paghuli sa mga sangkot sa iligal na droga na nasa hustong gulang na.
Aniya, hindi na dapat maulit pa ang kaso ng pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Kian Loyd Delos Santos.
Nanawagan din ang opisyal kay Pangulong Rodrigo Duterte na tiyakin ang isang bukas at walang pinapanigan na imbestigasyon laban sa mga pulis na itinuturong sangkot sa pagkamatay ng nabanggit na dalawang menor de edad.