Mas palalakasin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pagsulong sa Child Rights Protection sa pilipinas.
Ito ang tinalakay sa dalawang araw na dialogue on the United Nations Convention on the rights of the child sa Makati City ngayong araw.
Layunin ng naturang dayalogo na pag-usapan kung paano mas mapabubuti at paiigtingin ang pagsusulong sa karapatan ng mga bata sa proteksyon sa pilipinas.
Gaya na lamang ng mga hakbang kung paano mapalalakas ang kooperasyon ng pilipinas at mga bansang nakaloob sa asean ukol sa naturang usapin.
Gayundin ang epekto ng COVID-19, digital environment, pagbabago ng klima at kapaligiran, kasarian, kapansanan at iba.