Naka-depende sa dumarating na supply ng COVID-19 vaccine ang tuloy-tuloy na pagbabakuna sa mga preso.
Ito ang tugon ng Bureau of Jail Management and Penology o (BJMP) sa panawagan ng Commission on Human Rights (CHR) na i-prayoridad ang pagbabakuna sa mga bilanggo.
Ayon kay BJMP Spokesman, Jail Chief Inspector Xavier Solda, lahat ng pasilidad ay nakaasa sa Department of Health at suporta ng mga Local Government Unit.
Batay anya sa kanilang datos, aabot na sa 6,771 ang COVID-19 cases sa mga bilangguan hanggang kahapon.
Nasa 4,235 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang dinapuan ng COVID-19 habang 4,026 na ang nakarekober, 41 na ang namatay at mayroong 99 active cases. —sa panulat ni Drew Nacino