Inaalam pa ng Department of Foreign Affairs o DFA kung totoong nagbabalak na magtayo ang China ng istraktura sa Panatag Shoal.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang pahiwatig sa mga inilalabas na opisyal na pahayag ng China ang hinggil sa pagtatayo nito ng istraktura.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Abella na hindi pababayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea kung saan nakapwesto ang Panatag Shoal.
By Avee Devierte |With Report from Aileen Taliping