Kailangang palaging igiit ng Pilipinas ang panalo sa International Court hinggil sa West Philippine Sea kapag nakikipag usap sa China.
Mungkahi ito ni dating Philippine Ambassador to the United Nations Lauro Baja matapos ang biyahe ng Pangulo sa China.
Kasabay nito sinabi ni Baja na parang pendulum ang foreign policy ng Pilipinas sa pagitan ng Amerika at China.
Ayon kay Baja tila walang clarity o coherence ang estado ng foreign policy ng Pilipinas na aniya’y dapat na iwasang mangyari ng Duterte Administration.
By: Judith Larino