Aprubado na sa Kamara ikalawang pagbasa ang panukalang batas na magtatanggol sa karapatan ng lesbian, gay, bisexual at transgender o L.G.B.T community.
Ang House Bill 4982 o Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill ay ini-akda ni Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-Ao kasama ang ilan pang co-authors sa pangunguna ni Bataan Rep. Geraldine Roman.
Ayon kay Bag-ao, sa oras na maisabatas ang nasabing panukala ay matitiyak nito ang pantay na karapatan para sa mga miyembro ng bawat tao anuman ang sexual orientation o gender identity.
Pinuri naman ni Roman na isang transgender woman ang pag-usad ng bill at nanawagan ng pagkaka-isa.
Ang nasabing panukala ay may kahalintulad na Senate Bill na inihain ni Senador Risa Hontiveros at kasalukuyang nasa first reading pa lamang.
SMW: RPE