Tinitiyak ng Security of Tenure (SOT) Act ang karapatan sa paggawa ng mga obrero na itinatakda sa saligang batas.
Binigyang diin ito ni Labor secretary Silvestre Bello III matapos pasalamatan ang mga senador sa gitna nang pagsasabatas ng SOT.
Sinabi ni Bello na hindi na magtatagal at tuluyan nang magiging batas ang SOT na tatapos sa ‘endo’ o end of contract na ipinatutupad ng mga negosyante.
Una nang inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian na ihahabol nila ang nasabing panukala bago magsara ang 17th congress.
Inihahanda na rin ng DOLE ang implementing rules and regulations sa pagpapairal ng nasabing batas.