Iginiit ng delegasyon ng Pilipinas ang karapatan nito na malayang makapangisda sa West Philippine Sea.
Ito ang ipinaglaban ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, The Netherlands kaugnay ng nine-dash line claim ng China na naglilimita sa Pinoy na makapangisda sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Ayon kay Principal Counsel Paul Reichler, kulang ang basehan ng China sa historical claims nito ukol sa nine-dash line.
Nanindigan ang Pilipinas na wala sa anumang probisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS ang sinasabing nine-dash line claim ng China.
Dahil dito, may karapatan aniya ang Pilipinas na mangisda sa mga pinag-aagawang teritoryo sa loob ng 200 nautical mile exclusive economic zone.
By Ralph Obina
Photo from: gov.ph