Dapat igiit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang karapatan ng bansa sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Professor Jay Batongbacal, isang Foreign Affairs expert mula sa UP College of Law, maituturing na pagwaksi sa karapatan ng Pilipinas sa Scarborough kung hindi ito igigiit ng Pangulo sa China.
Hindi anya pinag uusapan kung papayagan o hindi papayagan ng China ang pagpasok ng mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal dahil ito ay karapatan ng mga Pilipino sa teritoryo na malinaw na pag aari ng Pilipinas.
Una rito, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte hindi na muna dapat pag usapan ang isyu sa Scarborough Shoal dahil kulang sa kakayahan ang bansa na bumangga sa China.
By: Len Aguirre