Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na igiit sa China ang karapatan ng Pilipinas sa Scarborough Shoal sa kanyang nakatakdang pagbisita sa nabanggit na bansa sa susunod na linggo.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya muna pakikialaman ang Scarborough Shoal dahil hindi, aniya, kaya ng gobyerno na makipagtagisan sa China kahit pa magalit ang gobyerno.
Dahil dito, sinabi ni Pangulong Duterte na ipakikiusap na lamang niya sa China na ibalik ang karapatang mangisda ng mga Pilipino sa pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea.
Kasabay nito inihayag ng Presidente na binuksan na muli ng China ang pagpasok ng mga produktong saging at pinya mula sa Pilipinas na indikasyong gusto, aniya, talagang tumulong ng China sa bansa.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping