Nanawagan ang isang eksperto sa pamahalaan na gumawa ng agarang aksyon at igiiit ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea laban sa China na umaangkin dito.
Ani dating UN Ambassador Lauro Baja, ito ang nararapat gawin makaraang umani ng suporta sa ilang European countries ang pagkapanalo ng bansa sa arbitral ruling kontra China.
Mababatid na sumuporta sa arbitral victory ng Pilipinas ang mga bansang France, Germany, at United Kingdom.
Paliwanag ni Baja, ang naturang hakbang ng mga European countries ay maaaring senyales ng tulong na pwedeng ibigay ng mga bansang ito, para igiit ang karapatan ng Pilipinas at ang pagkakapanalo nito sa arbitral ruling.
Nauna rito, nanawagan si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na dapat na igiit ng pamahalaan sa United Nations (UN) ang ating pagkapanalo sa ruling.
Pero kung ang kasalukyang Foreign Affrairs Secretary Toedoro Locsin Jr. ang tatanungin, hindi na kailangan pang igiit ang ating pagkapanalo, dahil malinaw na aniya sa lahat na lehitimo ang pagkapanalo ng bansa rito.