Umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa Pamahalaan na dapat tiyaking walang malalabag na karapatang pantao sa sandaling higpitan na ang galaw ng mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie de Guia, batid naman nila ang pangangailangan na mapigilan agad ang pagkalat ng virus upang makabalik na sa normal ang pamumuhay ng bawat isa, subalit hindi pa rin anila dapat sumobra sa itinatakda ng batas ang mga paghihigpit na kanilang ipatutupad.
Sa panig ng Philippine National Police o PNP, tiniyak ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos na mahigpit nilang ipatutupad ang maximum tolerance at pantay din anila ang magigig pagtrato sa lahat.
Una nang napagkasunduan ng Metro Manila Council na kailangang manatili muna sa bahay ang mga hindi pa bakunado kontra sa virus maliban kung ito’t essential o lubhang kinakailangan Giit ni Carlos, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga health protocols gayundin ang pagbabantay sa mga itinalagang quarantine facilities. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)