Inilabas na sa social media ni Karel Marquez ang nangyaring pagkalaglag ng kanyang baby sa lima hanggang anim na linggong pagbubuntis ng aktres.
Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Karel na sandali lamang na-fulfill ang pangarap nilang magkaroon ng sariling baby ng asawang si Sean Fariñas matapos siyang makunan na itinuturing niyang nightmare sa buhay ng mga ina.
Ayon kay Karel, halos dalawang buwan silang nagluksa ng kanyang asawa sa pagkawala ng kanilang first baby lalo na’t lahat ay nagtatanong tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Inamin ni Karel na nakaapekto sa kanyang mental health ang nangyari bagamat tiniyak naman ng kanyang mga doktor na fertile pa siya at uubrang subukan ang rainbow baby.
Maaari aniyang dumating ang rainbow baby sa susunod na taon o sa susunod na susunod na taon o sa ibang taon pa subalit ang mahalaga ngayon ay mag-focus pa sa pamilya, magtrabaho at patuloy na maging inspirasyon sa ibang tao.
By Judith Larino
Photo: Karel Fariñas / Facebook