Kinoronahan bilang Miss Intercontinental 2018 ang pambato ng Pilipinas na si Karen Gallman sa ginanap na coronation night sa Mall of Asia Arena sa Pasay, kagabi.
Dinaig ni Gallman ang mahigit walumpung kandidata mula sa iba’t ibang bansa.
Itinanghal namang first runner up ang pambato ng Costa Rica na si Adriana Moya Alvarado at second runner up naman si Laura Longauerova ng Solvak Republic.
Samantala, si Gallman ang kauna-unahang Pinay beauty queen na nakakuha ng titulong Miss Intercontinental.