Tinanghal na Miss Philippines-Earth ang medical physicist mula Maynila na si Karen Ibasco sa ginanap na coronation night sa Mall of Asia Arena in Pasay City.
Ipinasa ni Loren Mar Artajos ang kanyang korona sa bente sais anyos na si Karen na napili mula sa tatlumpu’t siyam na kalahok ng naturang beauty pageant.
Si Ibasco ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Earth pageant na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.
Nasungkit naman ni Kim de Guzman ng Olongapo, ang Miss Philippines-Air title habang si Jessica Marasigan ng Caloocan ang tinanghal na Miss Philippines-Water.
Iginawad naman kay Nella Bautista mula Misamis Oriental ang Miss Philippines-Fire title habang si Vanessa Mae Castillo ng Batangas ang tumanggap ng titulong miss Philippines-Ecotourism.
By Drew Nacino
Karen Ibasco itinanghal na Miss Philippines Earth 2017 was last modified: July 16th, 2017 by DWIZ 882