Rumesbak ang Actress-TV Host na si Karla Estrada sa kaniyang mga basher matapos ikumpara ang kaniyang pamilya partikular na sa anak na si Daniel Padilla sa pamilya ni Donny Pangilinan.
Ito’y makaraang tawagin na “Cheater” si Daniel ng isang basher kung saan, binansagan din si Karla na “Problematic” at “Chaotic” ang kaniyang pamilya habang “Complete at Happy” naman ang sinabi sa pamilya ni Donny.
Iginiit ni Karla, na nais lang ng mga ito na masira ang pangalan ng kaniyang anak kung saan, walang katotohanan ang ibinabato ng mga basher sa kaniyang pamilya.
Sinabi ni Karla na hindi alam ng mga tao ang totoong nangyayari sa mundo ng Showbiz at hindi maganda ang nandadamay pa ng ibang pamilya para lang makapanira ng ibang tao.
Nagpaalala naman ang aktres sa mga netizen na maging maingat sa pagbibigay ng komento at gawing tama ang pagtrato at pagtingin sa kapwa dahil mahirap ang manghusga lalo na kung hindi natin alam ang pinagdaraanan ng iba.