Tikom ang bibig ni Karla Estrada sa tuwing napag – uusapan ang tungkol sa kanyang non – showbiz boyfriend.
Ayon kay Karla, mas naisip niyang gawing pribado ang ukol sa kanyang buhay pag – ibig.
Sinabi ng ina ng Teen King na si Daniel Padilla na mas maigi nang tahimik lamang ang kanyang relasyon upang hindi na napagpipiyestahan pa.
Nahihiya din aniya siya na hanggang ngayon ay hindi pa niya natatagpuan ang pag – ibig na tatagal at para sa kanya matapos ang mga nagdaang apat na relasyon.
Gayunman, sa kabila ng mga pagkakamali sa mga nagdaang relasyon, biyaya namang itinuturing ni Karla ang kanyang mga naging anak.