Iginiit ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na epektibo ang mga bakuna kontra COVID-19 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa bansa.
Paliwanag ni Nograles, ang proteksyong ibinibigay ng bakuna ay hindi para mabawasan ang impeksyon kundi mabawasan ang panganib na magkaroon ng severe covid symptoms.
Dagdag ni Nograles, kung mahahawa ng COVID-19 ang isang indibidwal , mild symptoms na lamang ang kanyang mararamdaman.
Samantala, hinikayat naman ni Nograles ang publiko na magtiwala at magpabakuna laban sa COVID-19 upang hindi na lalo pang kumalat ang virus sa Pilipinas.
Aniya, bumaba na ang mga nagkakaroon ng malalang sintomas dahil sa isinagawang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19.